Mula sa inisyatibo ni Punong Lungsod Abgdo Christian D Natividad katuwang ang Sangguniang Panglungsod sa pangunguna ni Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T Bautista, naipamahagi sa mga Barangay Tanod at Justices ang kanilang mga allowances para sa unang quarter ng taong 2024.

Umabot sa 800 justices mula sa mga barangay sa buong lungsod ang nabigyan ng P3,500. Ito ay inaasahang magpapatuloy bukas kung saan mga barangay tanod naman ang mabibigyan.

Ayon kay konsehal Dennis San Diego, minabuti ng Sangguniang Panglungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Migs at mga kasama niya sa konseho na mabilis na maaprubahan ang budget para dito upang maibigay na ng agaran ang mga allowances ng mga ito. Dagdag pa niya, malaki ang pagkakaiba ang responsibilidad ng isang Brgy Justice sapagkat kailangan dito ay mayroon kang sapat na kaalaman sa batas para mas maging epektibo at mas mahusay na magagampanan nito ang kanyang tungkulin.

Kaalinsabay ng naturang payout ay ang pagpili sa susunod na mga magiging opisyal ng Pederasyon ng Lupong Tagapamayapa sa Lungsod ng Malolos.

Samantala ayon kay Levy Aniag kasalukuyang pangulo ng Pederasyon, noong panahon ng Covid napagdesisyunan ng kaniyang mga kasama na irehistro ang kanilang Pederasyon sa Security and Exchange Commission, upang maging lehitimo ang kanilang organisasyon. Bagama’t gawa na ang kanilang by laws, ito aniya ay bukas pa din mga revisions at ammendments kung kailangan.

Sa mensahe naman ni Konsehal Abgdo Nino Carlo Bautista, patuloy aniyang susuporta ang Sangguniang Lungsod ng Malolos sa ating mga Brgy Tanod at mga Brgy justices sapagkat batid niya ang pagod at hirap ng mga ito sa paglulingkuran. Siya din ang nagsilbing tagapagdaloy ng programa kung saan pinagsalita niya isa-isa ang lahat ng mga kandidato mula sa iba’t-ibang barangay.

Dumalo at nakiisa din sa gawain ang mga konsehal na sina Michael Aquino, Troi Aldaba, Abgdo Dennis San Diego, ABC President Jun Cruz, at City Mayor’s Office Chief of Staff Ferdie Durupa.

Nagsilbi din itong Book Launching ng librong pinamagatang Areglado na iniakda ni Konsehal Nino Bautista. Ito ay ipinamahagi sa lahat ng nagsidalo upang magsilbing gabay upang mapagsilbihan nang mabuti ang kanilang mga nasasakupan.

Photo Credits: Konsehal Nino Carlo Bautista

© 2024 – SAWER138™