Masaya ang naging pagsalubong ng mga deboto ng ating lungsod sa pangunguna ni Punong Lungsod Abgdo Christian D. Natividad kasama ang kanyang butihing ina na si Bb Matilde Natividad sa pagpanaog ng Sto Niño de Malolos sa harap ng lumang City Hall nitong ika-19 ng Enero 2024

Nagsimula sa bisita ng Brgy Canalate ang Sto. Niño de Malolos kung saan ito nakalagak ng ilang taon. Pumarada ito mula Brgy Canalate hanggang sa lumang cityhall. Sinalubong naman ito nga mga debotong maloleño sa pangunguna ni Mayor Christian.

Ang nasabing gawain ay bahagi na ng pagdiriwang ng Fiesta Republica mula pa noong 2011.

Nakiisa rin sa naturang selebrasyon ang mga konsehal na sina Troi Aldaba III, Kiko Castro, JV Vitug, Ayee Ople, Atty.Niño Bautista at City Administrator Joel Eugenio, at ang ilang mga debotong galing sa iba’t-ibang barangay ng Lungsod ng Malolos.