Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng City Training and Cooperative Office (CTECO), Department of Labor and Employment (DOLE) at ng tanggapan ni Sen Joel Villanueva, tumanggap ng halagang Php4200 ang 258 Tupad beneficiares bilang sweldo sa 10 araw na pagtulong ng mga ito sa paglilinis ng kapaligiran sa Lungsod ng Malolos.

Nagsidalo sa naturang programa sina Punong Lungsod Inh. Gilbert “Bebong” Gatchalian, CTECO Head Arch. Aaron Solis, CTECO Employment Division Head Marrianne Mendoza at si Senator Joel Villanueva.

Ayon sa mensahe ni Senator Joel, kasalukuyan siyang gumagawa ng pag-aaral upang maging batas na ang Tulong Panghanapbuhay para sa Displaced/Disadvantaged Workers o TUPAD Program. Aniya sa pamamagitan ng batas na ito, magiging regular na ang programang ito at pwede pa aniya na maitaas ang budget para lalo pang makatulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng pandemya

Ang TUPAD ay isang programa ng National Government na naglalayong magbigay ng pangsamantalang trabaho sa mga taong lubhang naapektuhan ng kasalukuyang pandemya. Ilan sa mga taong nabigyang tulong ng programang ito ay ang mga jeepney at tricycle drivers, mga vendors, mga carinderia owners at maging ang ilang mga senior citizens na may kakayanan pang magtrabaho.

Ang pamamahagi ng TUPAD pay-out ay ginanap sa grandstand ng Bulacan Sports Complex sa Brgy Bagong Bayan nitong ika-21 ng Pebrero 2022.