Ginawaran ng Plake ng Pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad ang Top 5 Researches mula sa nakaraang 2024 First Local Literacy Conference Cum Research Caravan sa Region 3 — CSWDO – Population Welfare Division, Bureau of Jail Management and Penology, Department of Education – Alternative Learning System, City Training Employment and Cooperative Office at Tourism Division, gayundin ang Best Presenters mula sa Local Government of Malolos na si Local Youth Development Officer Bryan Paulo S. Santiago at si Frederick John Macale ng DepEd Malolos.
Kaalinsabay nito ang pagbibigay ng sertipiko ng pagkilala kay Chrisandro Natividad sa pasungkit ng Bronze Medal sa isinagawang Thailand International Mathematical Olympiad noong ika – 28 ng Abril laban sa 5,400 mag-aaral mula sa 20 Bansa. Nakamit din ni Chrisandro ang Gold Medal sa nakaraang Philippine Mathematical Olympiad.
Binigyang pagkilala at parangal din ang mga Malolenyong manlalarong atleta na nag uwi ng 16 Gold, 12 Silver, at 18 Bronze Medals sa nakaraang Central Luzon Regional Athletic Association at siyang pagkamit ng Division of Malolos ng ika – 9 na pwesto sa CLRAA Meet 2024.
Kinilala rin ang BJMP sa pagkamit ng 1st Place Among City Jail having its City Standard and Successful Implement of the Regions Programs sa buong Region III at kina JCINSP Edwin G. Bulatao, bilang Best City Jail Warden, JO1 Aubrey Mae S. Canuma, Best Paralegal, at JO1 Harold D. Manuel, Best Community Relations Service Officer Type B Jail.
Iginawad din ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang 2.2 milyong tulong pinansyal para sa Barangay Pinagbakahan na siyang gagamitin sa pagbili ng lupay na siyang pagtatayuan ng Day Care Center.
Kinilala rin ng Malolos City Police Station si Pat Josen Victor Q. Del Rosario sa pagiging husgado sa Idol of the Month April 2024.
Dumalo at nakiisa sina Schools Division Superintendent Leilanie S. Cunanan, CESO V, Chief of Staff Ferdie Durupa, Konseal Abgdo. Niño Carlo Bautista, Konsehal, Konsehal Victorino “Troi” Aldaba, ABC President Vicente “Jun” Cruz.