Ginanap noong ika-24 ng Enero 2024, pormal ng pinasinayaan ni Punong Lungsod Abgdo Christian D Natividad kasama si Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto T. Bautista at ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kiko Castro, JV Vitug, Niño Bautista, Mikki Soto, Ayee Ople at Troi Aldaba III at ang bagong talagang ABC President Jun Cruz. Ang naturang proyekto ay inisyatibo ng dating kapitan ng Brgy Bulihan na si Crisanto De Jesus at ipinagpatuloy naman ni Kapitan Lito Zuniga.
Ayon kay Jordan Delos Santos konsehal ng Brgy Bulihan, ang naunang plano ng dating kapitan ay ang pagsasaayos lamang ng kalsada upang maging mas madali ang biyahe ng mga sasakyang dumadaan dito. Minarapat ni Kap Lito na hindi lamang iayos ang kalsada bagkus pagandahin pa ito upang mas maging kaaya-aya sa mga dumaraan dito.
Ayon naman kay Kap Lito Zuniga, ang kahabaan ng kalsada ng Domsal subdivision ay lalagyan ng mga ilaw, halaman, at mga upuan na magsisilbing pasyalan na bukas sa bawat Malolenyo. Dagdag pa niya mahigit 40 puno ang itatanim dito alinsunod naman ito sa direktiba ni Mayor Christian na mapangalagaan ang kapaligiran. Ito rin aniya ay maaring gamiting alternatibong ruta ng mga sasakyan upang maiwasan ang trapik sa ating lungsod.
Inaasahang matatapos ang nasabing proyekto sa unang kwarter ng taong kasalukuyan.
Dumalo at nagpakita ng suporta sina Coach Geli Bulaong, CENRO OIC Amiel Cruz, dating SK President Patrick Dela Cruz, Kapitan Lito Zuniga at mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Bulihan.