Mula sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry, Bulacan State University, Rotary Club of Malolos Hiyas at ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng Business and Licensing Permit Division, inilunsad sa Academia Technologica de Santa Judiel sa Brgy Bulihan ang programang Malikhaing Malolenyo.

Ang naturang pagsasanay ay may tatlong bahagi: workshop/lecture kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang mga nagsilahok na magsanay sa ilalim ng mga eksperto mula sa BulSu at House of Fabulosa; mentoring session kung saan isa-isa silang kakausapin ng mga eksperto patungkol sa disenyong kanilang nagawa at makilala nila ang kanilang mga modelo na magsusuot ng kanilang mga nalikha, at Fashion show na inaasahang gaganapin sa ika-6 ng Hulyo na kung saan ay maipapakita ang kanilang mga nilikha sa pamamagitan ng isang Fashion Show.

Dumalo sa naturang pagsasanay ang ilang kawani ng BPLD sa pangunguna ni Atty Aida Bernardino, Maridette Valenton Rotary Club of Malolos Hiyas President, Ruth M. Cuntapay President CEO at Marlon L Cordez VP Administrator ng St Judiel Institute of Technology, Marlon Leyesa Dean, Jaqueline A Villanueva Associate Dean, Jay De Jesus Program Chair ng BulSu College of Industrial Technology at sina Ruby Magbitang at Ana Marasigan ng BulSu at sina Rave Wong Fania at Jamm Dela Rosa ng House of Fabulosa ang mga nagsilbing mga mentors.