Dahil sa sapat na bilang na labing siyam na mga rehistradong mga organisasyong pang kabataan sa National Youth Commission, napagpasiyahan na bumuo ang Local Youth Development Council ng alyansa upang mas lalong mapaigting at mapalawak ang proyekto ng mga organisasyong pang kabataan sa Lungsod ng Malolos.

Sa unang bahagi ng programa ay ang panimulang panalangin at pag awit ng pambansang awit ng Pilipinas matapos nito ay ang mensahe ng pagtanggap ng Local Youth Development officer na si G. Bryan Santiago, sa kaniyang mensahe kaniyang binigyang linaw kung ano ang PROJECT ALYANSA. Sinundan naman ito ng pagbigay ng mensahe ng Local Government Operations Officer, Gerald Cabarles Jr. na mula sa Department of Interior Local Government. Nagbigay rin ng mensahe ang City Administrator na si Joel S. Eugenio at ang Pangalawang Punong Lungsod, Hon. Miguel Alberto T. Bautista.

Sinundan naman nito ng panel discussion, kung saan nahahati sa tatlong bahagi. Sa unang bahagi ay tinalakay ang patungkol sa Youth Development na pinangunahan ni Local Youth Development Officer ng lungsod ng Sta. Maria na si Mr. Kenneth S. Dela Cruz kung saan tinalakay at binigang diin ang kalayaan na mapagyabong ang kaalaman patungkol sa Youth development.

Sa ikalawang bahagi ay patungkol sa Youth Empowerment at Ito ay pinangunahan ng LYDO ng bayan ng Norzagaray na si Ms. Wilmie Kate Logo. Binigyang diin ni Logo ang paglimita sa mga proyekto ng kabataan na nasasanga sa ‘di napapakinggan ang mga kabataan.

At sa huling bahagi ay patungkol sa Youth in Nation Building at Ito naman ay pinangunahan ni Ms. Rose Ann Rojas, Area Officers Region II and III na mula sa National Youth Commission. Binahagi ni Rojas kung ano ang layunin ng National Youth Commission.

Bilang pagtatapos ng programa ay lumagda ang mga organisasyong pangkabataan ng Lungsod ng Malolos sa Memorandum of understanding para sa Maloleno Youth Development Alliance.