Nagdaos ng pagpupulong sa Auditorum ng City Hall na pinangunahan ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad kasama ang mga kapitan ng mga barangay sa Lungsod ng Malolos

Layunin ng pagpupulong na mapag-usapan ang pagpapaigting ng curfew sa bawat barangay, pagbuo ng mga grupo sa bawat barangay na makakatuwang ng mga pulisya sa pagiikot, at pagpapalakas ng komunikasyon sa pagitan ng mga kapitan.

Kabilang din sa pinag-usapan ay ang pagdaragdag ng mga CCTV sa mga barangay at mga radyo sa mga kawani nito.

Dumalo rin sa nasabing pulong sina Konsehal Michael Aquino, Kon.Troi Aldaba III, CLGOO VI Digna Enriquez at ABC President Dionisio Mendoza, City Legal Officer Atty. Cyrus Paul S. Valenzuela at Police Lieutenant Coronel Andrei Anthony Manglo.