Tinanghal sa unang pagkakataon ang Robinsons Place Malolos bilang kampeon sa Fire Olympics 2024 na ginanap sa harap ng Malolos City Sports and Convention Center.

Mula sa pangunguna ng Malolos City Disaster and Risk Reduction Management Office at Bureau of Fire Protection, ang Fire Olympics ay naglalayong lalo pang paglinangin at paghusayin ang mga kalahok sa kanilang mga kaalaman sa pagpuksa ng sunog at iba pang Fire Related Emergencies.

Ang mga kalahok ay nagpaligsahan sa mga kategoryang tulad ng Bucket Relay, Hose Laying and Busted Hose Connection, Rescue and Transfer Relay at Flammable Liquid Fire Extingusihment. Pinaglabanan din naman ang Best Muse at Best Uniform.

Ayon kay CDRRMO Chief Katrina Pia Pedro, ang mga ganitong paligsahan ay malaking tulong sa mga barangay at mga estabisyementong lumahok sapagkat sila ang nagsisilbing First Responders kaya’t mas malaki ang tsansang maapula ng agaran ang isang sunog. Taus puso din ang naging pasasalamat ng Hepe ng CDRRMO sa lahat ng mga barangay at establisyementong naglaan ng oras sa pagsasanay para makasali sa taunang paligsahang ito.

Sa Mensahe naman ni Punong Lungsod Abgdo Christian D. Natividad, binigyan niya ng pagkilala at pasasalamat ang lahat ng kalahok sa sinseridad at dedikasyon ng mga ito sa pagnanais nitong makatulong sa ating lungsod. Bukod dito nagbigay ang butihing alkalde ng karagdagang 5k piso sa lahat ng lumahok at nangakong magbibigay ng paunang 20k sa mga sasali sa susunod na Fire Olympics na maari nilang magamit sa pageensayo at pagbili ng karagdagang kagamitan na panlaban sa sunog.

Dagdag pa niya, hangad din niya ang maglagay sa Fire Station dito sa Malolos Government Compound na labis namang kinasiya ng lahat ng kalahok at lahat ng mga kawani ng BFP.

Nagsipagwagi rin ang mga sumusunod:

Best in Muse (Brgy. Sumapang Matanda)

Best in Uniform (Brgy. Sumapang Matanda)

Best in Bucket Relay (Brgy Guinhawa)

Best in Hose Laying , and Busted Hose Replacement: (Robinsons Place Malolos)

Best in Rescue, and Transfer Relay (Robinsons Place Malolos)

Best in Flammable Liquid Fire Extinguishment (Department of Education Schools Division Office)

Second Runner Up

Malolos Marine Fishery School and Laboratory

First Runner Up (Brgy Sumapang Matanda)

Overall Champion Fire Olympics 2024 (Robinsons Place Malolos)

Dumalo bilang kalahok ang mga barangay ng Sumapang Matanda, Guinhawa, Taal, Santor, Panasahan, Pinagbaakahan, Anilao, Caingin, at Bangkal, mga private companies nana Sucere at Robinsons Place Malolos, mga schools na Marcelo H Del Pilar High School at Malolos Marine Fishery School and Laboratory at ang Department of Education School Division Office.

Naging panauhin naman sina CDRRMO Chief Katrina Pia Pedro, FCINSP Antonio C De Jesus, Malolos City Fire Marshal, Leilani Samson-Cunanan, School Division Superintendent, FCINSP Lilibeth L Pagdanganan, Chief Administrator Office of the Provincial Fire Marshal, Vice Mayor Miguel Albert T. Bautista at Mayor Atty Christian D Natividad.

+24