
Pinangunahan ni Russian Ambassador of the Philippines His Excellency Marat Ignatyevich Pavlov ang pagdiriwang ng Ika-80 Anibersaryo ng Great Victory Over Fascism noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos, Bulacan nitong ika – 29 ng Abril.
Bilang pagpaparangal, nag-alay si Pavlov ng bulaklak sa busto ng mga delegado ng Kongreso ng Malolos sa Barasoain Church na nagsulong sa ating kasarinlan.
Naging pagkakataon din ang pagtitipon upang higit pang paigtingin ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at Russia, na inaasahang magdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng kanilang bilateral relations sa taong 2026. Layunin ng dalawang bansa na palawakin ang kooperasyon sa mga sektor ng pamumuhunan, kalakalan, turismo, at edukasyon.
Kasama ni Ambassador Pavlov sa pagbisita si National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Lope Santos III, na nagpahayag ng suporta sa pinalalawak na ugnayan sa Russia bilang bahagi ng mga hakbang ng Pilipinas upang maabot ang estado ng pagiging isang High-Middle Income Country sa mga susunod na taon.
Bumisita rin sa Simbahan at Museo ng Republika ng 1899 sa Barasoain Church si HE Pavlov kung saan labis ang kaniyang kagalakan sa mayamang kultura ng Lungsod ng Malolos na may kinalaman sa nakaraang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Dumalo at nakiisa sina Abgdo. Cyrus Paul Valenzuela, kinatawan ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, Assistant City Administrator Gertudes N. De Castro, at Malolos Tourism Deputy OIC Rommel Santiago.