Nilahukan ng sampung koponan mula sa mga barangay ng Bagong Bayan, Caingin, Look 1st, Matimbo, Panasahan, Santor, at tigdalawang team mula sa Bulihan at Balayong. Ang Mayor Christian Natividad Cup, Inter Barangay Softball Tournament. na ginanap noong ika-14 ng Abril 2024, sa barangay Balite.

Sa pangunguna ni Sports Development head Toti Villanueva pinasimulan ang program sa ceremonial pitch ng mga punong barangay mula sa Matimbo, Bulihan at Look 1st at ni Punong Lungsod Abgdo Christian Natividad.

Apat na laro na ginanap ng araw na yon. Ito ay ang mga sumusunod:

Bulihan v Look 1st

Bagong Bayan v Panasahan

Caingin v Santor

Malanggam v Balayong 2

Nag bigay ng papremyo ang ating Punong Lungsod Christian Natividad ng tig Isang libo piso sa sinomang makaka homerun sa nasabing palaro. Ang mga nagwagi ay sina:

No. 14 Edward Vilena mula sa Bulihan at No.24 R. Nicodemus Mula naman sa Balayong 2

Para sa schedule Ng mga laro bisitahin ang FB page ng Sports Development Office.