Sa pangununa ng Konseho ng City Anti Drug Abuse Council (CADAC), PMAJ Erickson Miranda, Focal Person— Noel Acuña at Konsehal Niño Bautista, sinimulan ang nasabing pagpupulong sa pagkakaroon ng mabusising rebyew ukol sa pagsasanay at kinakailangan pang pagigtingin ng mga barangay upang makamit ang “Drug-free city”.

Inilihad ng Konseho, base sa Anti Drug Abuse Council (ADAC) Audit Results at Barangay Drug Abuse Council (BADAC) Consolidated Report na marami pa sa mga barangay ang kinakailangang makatugon sa mga teknikal na rekwayrments nito.

Sa kabilang banda, inulat ng Malolos PNP na 12 na barangay na sa lungsod ang dineklara bilang “Drug Clear Barangay”. Ang nasabing mga barangay ay ang: Sto Niño, Cofradia, Balite, Niugan, Mambog, Calero, Caliligawan, Babatnin, Anilao, Liang, Pamarawan at Dakila. Habang 14 barangays naman ang nasabing may iilang kaso na lamang at 25 barangay ay may malalang bilang pa ng drug users. Tiniyak naman ng Konseho na mas lalong paiigtingin ang pag-aksiyon sa nasabing problema.

Binigyang impormasyon naman ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Department Head— Lolit Santos na ang kanilang tanggapan ay nagsasagawa ng programang “After Care Services at Counseling” para sa mga indibidwal na tumigil na sa paggamit ng pinagbabawal na gamot. Inihayag ni Santos na mayroon silang 48 na indibidwal na kasalukuyang sumasailalim sa counseling at apat naman dito ang nakapagtapos na.

Kasama sa nasabing pagpupulong sina Police Captain- Christopher Magallenes, City Local Government Operations Officer (CLGOO)- Digna Enriquez, City Information Officer (CIO)- Regemrei Bernardo at ibang kinatawan at miyembro ng konseho.