
Alinsunod sa layunin ng City of Malolos-Information Division Roving Radio Station na lalong paigtingin ang mga programa nito, isinagawa ang isang oryentasyon kasabay ng pagtalakay sa Social Media Marketing para sa mga RRS hosts na binubuo ng iba’t-ibang kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, at external partners ng dibisyon.
Naging bahagi ng gawain ang paglalahad ni Supervising Information Officer Regemrei P. Bernardo sa audience profile, video reach, views, comments, shares ng mga programa ng RRS. Ilan sa kaniyang ipinaliwanag ang kahalagahan ng pagpili ng makabuluhang paksa na makakaugnay ang mga manunood, paggamit ng biswal at pagkakaroon ng audience engagement.
Sa pagtatapos ay nagbigay si RRS Focal Person Remando Faustino II ng ilang paalala para sa mga hosts na maaari nilang gamitin sa ikagaganda pa ng kanilang programa. Nagpabot din si Faustino ng taos-pusong pasasalamat sa kanilang patuloy na pakiisa sa RRS.
Dumalo rin sa gawain ang Philippine Information Agency, DepEd Malolos, at Malolos PNP.